Sa lilim ng Blangkong Pahina
19 parts Ongoing "Isang koleksiyon ng mga tula"
Para sa mga nasaktan,
Sa mga natuyong sugat
At mga dugong kumalat
Para sa mga nagkamali,
Na piniling magbago
At magpakabuti
Para sa mga sumuko,
Na natalo
At lalaban muli
Para sa mga umalis,
Na napagod
At hindi na muling babalik
Para sa matatapang,
Na naging totoo
At umamin
Para sa iyo,
Na nagmamahal
Sa musika, sa tula, sa tugma, sa kapangyarihan ng mga salita
Inia-alay ko ang mga tulang ito...