Sa ilalim ng makulimlim na kalangitan at unti-unting paglakas ng patak ng ulan, nagkita ang ating mga mata. Hindi sinasadya, hindi inaasahan, ngunit ito ang sandaling nagbuklod sa ating mga mundo na dati'y magkahiwalay.
Minsan sa kagustuhan nating magtago sa ibang pagkatao, hindi na natin namamalayan na ang tao palang matagal na nating hinahanap ay nasa harapan na natin, ngunit hindi tayo matagpuan dahil patuloy tayong nagkukubli sa kadiliman na dala ng kahapon.