Anu-ano nga ba ang gagawin mo para ang isang linggo na kasama ang pinakasikat na artista ay maging memorable para sa iyo at para sa kanya? Paano mo pagkakasyahin ang isang linggo para ang pangalan mo ay magmarka sa puso at isipan ng isang artista? Alamin natin kung paano ni Lianne Jaira Dimagiba, 19 years old, single, maganda, mula sa mahirap na antas sa buhay, matangkad, mabait, at hindi masyadong matalino, pero maparaan sa buhay, ay gagawin ang lahat para mapa-ibig ang isang sikat na sikat na artistang si Von Lee.