Kagaya niya, tumitig ako sa kalangitan na kay gandang pagmasdan. Nakakalat ang mga bituin.
"Miss na miss ko na siya."
Napalingon siya sa akin, kaya tumingin din ako sa kaniya.
"Masaya ka ba?"
Napangiti ako, "Oo naman. Sobra. Sa kabila ng lahat ng nangyari sa akin at sa aming dalawa, nagpapasalamat pa din ako sa Panginoon. Ang swerte swerte ko pa din."
He whispered, pero sapat na iyon para marinig ko ang sinabi niya.
"Ang swerte ko din, Nalica."
High school pa lang ay academic rival na ang turing ni Dylan kay Yno, ang taong hadlang sa mga inaasam niyang academic achievements. Ngunit kahit anong gawin niya, hindi niya ito kayang lamangan. Hanggang sa tuluyan na nga silang gumraduate at nagcollege. Mabuti nalang at hindi na sila pareho ng pinapasukang university. Finally their rivalry had come to an end.
Ngunit nang dahil sa SK Election, muli na namang umusbong ang rivalry na unti-unti na sana niyang kinalimutan. Ngayon, makikipagtuos ulit siya sa lalaking matagal na niyang sinusubukang pataubin- only this time, fate won't let it happen without a twist.