Minsan, darating ang love sayo ng hindi mo inaasahan. Kung kaylan hindi ka prepared tsaka naman ito parang kabute na uusbong. Kadalasan nagse-set tayo ng mga criterias kung sino at anong klase ng tao ang mamahalin natin. Yong tinatawag ba nating ideal man. Pero kadalasan, hindi naman nasusunod ang mga criterias na yon. Hindi natin nahahanap si ideal man. Hindi pa man dumarating ay pinaplano na natin kung anong klaseng relationship magkakaron tayo. Pinaplano na natin kung saan at paano kayo magkakakilala ng soon to be boyfriend mo; kung paano ka niya liligawan at kung gaano katagal siyang maghihintay para sa matamis mong oo; kung paano ka niya mapapasagot at kung paano niyo isi-celebrate yong mga monthsaries at anniversaries niyo. Ganun din si Abby. Hopeless romantic at lage na'y happy ending ang inaasam. Subalit katulad ng ibang mga kababaihan, hindi rin niya nakita si ideal man niya. Hindi niya nakamit ang ideal relationship na hinahangad niya. Sa halip, nahanap niya ang kabaliktaran ng lahat ng pinapangarap niya.