"BESTFRIEND. Yan yung, kapatid mo sa ibang nanay
Yung taong, nilalait mo na nga't lahat lahat, tumatawa pa den.
Yan yung taong, nakakatampuhan mo pero mamaya lang saglit, bati na kayo agad
Yan yung taong, nanjan lagi pag kailangan mo sya
Pag pinapabayaan mo sarili mo, daig pa nanay kung mag-asikaso sayo
Yan yung taong, pag kasama mo, daig pa ang takas sa mental
At yan yung taong, HINDING-HINDI ka pababayaan.
Masarap sa feeling na may bestfriend ka. Yung tipong kahit wala kang lovelife, masaya ka na dahil kasama mo sya. Sya yung tumatayong BARANGAY HALL tuwing may reklamo ka. Kasama mo yan mapa-seryoso man o mapa-baliwan ang usapan. Para sakin yan ang taong kukumpleto ng buhay ko."