Labis ang nadaramang kaligayahan nila Bella at Zandro ng naging mag-asawa silang dalawa. Ikinasal na rin sila sa wakas at dumating sa kanilang buhay ang dalawang napakagandang mga anghel, sila Kael at Elliza. Wala na silang mahihiling pa. Sa taong dinanas nilang lungkot at problema, binigyan sila ulit ng lakas, katatagan at pagasa para makabangon muli. Pinaglaban nila ang isa't isa sa mga taong gusto silang paghiwalayin. Hindi nila pinapabayaan ang isa't isa kahit ano man ang mangyari. Pero sa isang igla, ang pamilyang binuo, inalagaan at inilaan ng pagmamahal ay mawawala na lang. Dahil sa isang pangyayaring wawasak sa kanilang pamilya.