Hangang saan ang kaya mong tiisin para lang mapatawad ka ng iyong anak? Hangang saan ang kaya mong gawin para iparamdaman sa kanya ang pait ng kahapon na ipinadama niya saiyo? Hangang saan hahantong ang lamat ng kahapon na ikinasira nilang dalawa? Ang kahapon na hindi malimot-limutan dahil nagiwan ito ng malalim na sugat. Mga bakas ng kahapon na nagpapaalala sa kanya na minsan, nadapa siya nang mahabang panahon at nasaktan ng labis. Isang desisyon na pinagsisihan niya. Isang desisyon, na habang buhay nang tatatak sa kanyang anak. ---- "22 years... 22 years of my life, you were never there. You were never in my side when I needed you the most. I was 3 when you left me. No memory of you, hindi ko nga alam kung nilaro mo ako noon eh. Hindi ko alam kung minahal mo ako, o kung tinuring mo man lang akong anak mo. Sana bago mo ako binuhay, tinanong mo muna ang sarili mo kung sasamahan mo ba ako hangang paglaki. Alam mo? Hinihiling ko noon na sana, hindi mo nalang ako binuhay kung pinatay mo ako unti-unti noon." "Anak... Athena..." "Don't call me anak. Mas nandidiri lang ako sa sarili ko dahil sa isipan na ang dumadaloy na dugo saakin ay galing sa'yo. I hate to know that you are my mother, I hate to know that fact. I hate you. I hate you so much..." The Daughter's Love - ©copyright by Iamjafc 2018 [Slow-Update] TAG-LISH