Makakaya mo bang mabuhay pa ng normal at masaya kapag dumating ang araw na iwan ka ng taong mahal mo? Kung iniisip niyo na 'Kaya niyo', linawin ko lang muna, hindi literal na iniwan ang nangyari kay Morie ang bidang babae na nagmahal ng sobra sobra, iniwan sya ng kanyang pinakamamahal nyang lalaki na nagngangalang Joenas, ito'y nagpunta sa malayong malayong lugar kung saan wala ng lungkot at problema, kung saan parang isang napakalaking hardin na lamang. Hindi maintindihan ni Morie ang huling hiling ng taong mahal niya, na sinabi kay Elshin ang kanilang bestfriend. ****** Tingnan natin kung paano makakaligtas si Morie sa isang bangungot ng mawala ang kanyang pinakamamahal. Kung magmamahal pa nga ba siya, gaya ng sabi ng kanyang mahal? O kung tutuparin niya ang pangako nya sa taong mahal niya, na sya lang ang una't huling mamahalin ni Morie. At hindi niya susundin ang huling hiling ng taong mahal niya? Samahan natin silang maglakbay sa bawat yugto ng buhay nilang magkakaibigan.