Isa sa segment ng noontime show na It's Showtime ay ang Miss Q and A. Isang pangkasiyahang patimpalak na para sa mga third-sex o mga bading.
Dito, tiga-abot ng mga katanungan si Jackie, isang Showtime dancer, na kinilala dati na si Ate Gurl. Sa simpleng pagpansin dito ni Vice Ganda, isang stand-up comedian na host ng nasabing show, nagbago ang buhay ni Jackie Gonzaga.
Nabigo man sa kaniyang unang pag-ibig, ngunit matutunan niya muling umibig sa tulong ng isang bading. Tunghayan ang mala-rollercoaster niyang buhay pag-ibig.
*
Jose Marie Viceral, o mas kilala sa tawag na Vice Ganda. Matatawag niya ang kaniyang sarili na bihasa sa larangan ng pag-ibig. Paano ba naman, marami na siyang trial and error. Naranasan na niya ang lahat ng uri ng pag-ibig, ang one-sided, mutual, forbidden, at tagong pag-ibig o secret love.
This time, it's a true love. At bago sa kaniya ang ganitong uri ng pag-ibig.
Marami na rin siyang masasakit na karanasan sa pag-ibig. Natural lang naman iyon, dahil kakambal ng pagmamahal ang masaktan. At sa bawat masasakit na karanasan na iyon, meron pa ring panibagong pag-asa na makakahanap muli ng pagmamahal.
Ang pagmamahal at pagkalinga na pilit niyang hinahanap sa mga lalaki ay posible kayang maramdaman niya sa isang babae?
Sundan ang kaniyang paglalakbay sa panibagong karanasan na mararanasan niya kay Jackie.
---
Date Started: April 24, 2018
Date Finished: Not yet.