Hanggang saan nga ba ang kaya mong gawin para sa pagmamahal? Si Anika ay lumaking mahal na mahal ang kanyang pamilya.Hindi niya inaasahan na dadating ang araw na magmamahal siya ng isang tao. Ngunit alam nyang hindi pwede.Nakilala nya si Alexius at unang araw pa lang ng pagkikita nila ay hindi niya inaasahan na hahalikan siya nito at ang malala pa ay tinugon din niya ito.Hindi niya alam na ito pala ang pinsan niya na ipapakilala sa kanila. Ilang ulit nya itong iniwasan,ngunit masyadong mapilit si Alexius.Hindi niya nagawang kontrolin ang nararamdaman niya.Kahit alam niyang mali ay minahal niya ito.Ganun na lamang ang tuwa niya ng magtapat si Alexius na mahal siya nito hindi bilang pinsan,kundi bilang isang babae. Hanggang saan sila dadalhin ng pagmamahal nila?Sapat ba ito para maging tama ang alam nila na sa umpisa pa lang ay mali na?