Ako si Patricia Kaye Alyanza. Labing-walong taong gulang. Maganda, matalino, maputi, at higit sa lahat - mayaman. Prinsesa sa isang napakagandang paraisong isla na matatagpuan sa kadulo-dulohang bahagi ng Pilipinas. Kung saan habang inaaliw ko ang aking bawat araw sa pagliliwaliw sa isla, ay hinihintay ko din ang pagdating ng aking prinsepe na siyang magpupuno ng higit pang kaligayahan na tinatamasa ko na ngayon.
Hindi.
Huwag kayong maniniwala.
Puro pantasya lang ang lahat ng iyon.
Ang totoo, ako lang si Patricia Kaye Alyanza. Labing-walong taong gulag. Simple. Walang natatanging yamang maituturing kundi ang mga libreng pangarap na sana, may isang prinsepe na siyang mag-aalis sa'kin sa paraisong kulungang kinagisnan ko.
Hay... Kelangan kaya darating 'yun?
Pa'no kung bigla isang araw, may isang prinsepeng dumating nga sa isla namin? Maging siya na nga ba ang katuparan ng aking pangarap o siyang magmumulat sa katotohanang hanggang pangarap na lamang nga ang lahat?