". . . mahal pa rin kita." Yan ang una kong sinabi sa kanya bago pa niya ako tuluyang iwan. Hindi ko naman siya masisisi kung makikipaghiwalay siya sa akin. Hindi ko naman hawak ang mundo eh. Hindi ko naman mapipigil ang pag-ikot nito. Hindi rin naman ako martir o tanga para sabihin sa kanya na huwag niya akong iwan. Dahil ang totoo, lahat ng tao, balang araw, iiwan at iiwan ka rin ng mag-isa, kahit sabihin pa nila na hindi nila sinasadya o kung anuman ang maging dahilang nila para iwan ka. Yun ang bagay na hinding-hindi mo kayang panghawakan habang buhay. Kasi alam nating lahat, balang araw mamamatay rin tayo. Kaya naman, naiintindihan ko at nirerespto ko ang naging desisyon niya kahit pa alam kong masasaktan ako.