~ Dating Tagpuan
Bakit tila mapaglaro ang tadhana?
Malungkot, sobrang lungkot
Puso ko ay labis na kumikirot
Sa bawat araw na nagdaan
Ako'y naghihinagpis ng lubusan
Binibini, sana ako'y iyong pakinggan
At dinggin ang inaasam na kahilingan
Na kahit minsan mukha mo'y masilayan
At mapawi ang lungkot at luhang pinipigilan
Sana sa bawat pagtibok ng puso ko
Sana sa bawat pagpatak ng luha ko
Maisip mo man na hinihiling ko kay bathala
Na ang ating pag iibigan ay mailathala
Binibining Mariella, dinggin mo ang aking kahilingan
Hihintayin kita dito sating dating tagpuan.
Ako'y sayo,
Marco
Disclaimer : Ang ibang character at lugar ay hango sa ideya ni Binibining Mia sa Ilys 1892, at hindi ko inaako iyon dahil ang pangalan ng ibang karakter at lugar ay hango sa orihinal na gawa ni @UndeniablyGorgeous/Binibining Mia. Inspirasyon ko sya para maka pag sulat ako ng istorya na inspired sa Ilys 1892 na isa sa pinakapaboritong nabasa. Maraming salamat po.
Ang kwentong ito ay pawang kathang isip lamang. Alin man sa sumusunod na karakter o ngalan ng tao, bagay, pook o pangyayari ay hindi sinasadyang magkakatulad o magkahawig sa ano mang kwento na inyo ng natunghayan.
Some parts, characters, places and events of the story are inspired by I love you since 1892 by @UndeniablyGorgeous
Started : May 01, 2018
Lumaking hindi kilala ang tunay na mga magulang, maagang namulat si Leroncillo San Roque sa kalupitan ng mundo. Ngayong nabigyan siya ng pagkakataong maipaglaban ang pagkakapantay-pantay, handa ba siyang isakripasyo ang lahat maatim lang ang hinahangad na tagumpay?
***
Mulat sa bulok na sistema ng lipunan, tumatak sa isipan ni Leroncillo San Roque ang kawalan ng hustisya at hindi patas na trato sa mga mahihirap. Bagama't lumaki sa kalinga ng isang prayle, hindi pa rin naging madali ang daloy ng kaniyang buhay. Patuloy pa rin siyang sinusubok ng mga tao, ng pagkakataon, at ng tadhana. Ngayong naipit si Leron sa isang sitwasyon na maaaring magpahamak sa mga taong mahalaga sa kaniya, ano nga ba ang tamang hakbang upang makamit niya ang inaasam na kalayaan at hustisya? Magagawa ba niyang linlangin ang kalaban at mailigtas ang kaniyang amain at mga kaibigan? O mapupunta lamang ba sa wala ang lahat ng kaniyang pinaghirapan?
Cover Design by Louise De Ramos