May mga taong nahulog narin sa kanilang bestfriend at alam natin na ito ay napakahirap at napakasakit. Lalo na kapag yung feeling mo tinatago mo kasi ayaw mong masira ang friendship niyo. Minsan naman gusto niyo yung isat-isa kaso natatakot kayong hindi mag work-out yung relationship. Paano nga bang hindi ka mahuhulog sa bestfriend mo kung palagi siyang nandiyan para sayo. Siya yung taong nakakilala sayo at nakakaintindi sayo. Pero paano kung siya rin yung taong pinaka sinaktan ka ng husto?