Anim na magkakaibigan. Isang pangarap. Isang mahiwagang paglalakbay. Anim na magkakaibigan ang may iisang layunin-ang matupad ang kanilang mga pangarap na maging mahusay sa larangan ng sayaw at pagtatanghal. Ngunit nagbago ang lahat nang hindi sila nanalo sa isang patimpalak. Tila unti-unti silang pinanghihinaan ng loob at nawawalan ng pag-asa. Hanggang isang araw, may dumating na nagpabago sa kanilang lahat-isang matandang babae na may dalang mahiwagang kuwintas. Sa isang iglap, nagising na lang sila sa isang kakaibang lugar. Ito na nga ba ang lugar kung saan matutupad ang matagal na nilang pangarap? O isa lamang itong panaginip? Tunghayan ang nakaka-inspire na kuwento ng anim na kabataan-Six of Hearts.
More details