Kaylangan ba ng bansag upang malaman kung nagmamahalan ang dalawang tao? Kaylangan ba talaga yung bansag na 'boyfriend' 'girlfriend' para maiparamdam sa ibang tao na nagmamahalan kayo? Di naman talaga kaylangan ng mga bagay bagay na iyan, ang mahalaga ay ang masabi at maiparamdam mo ang feelings mo sa taong mahal mo. Hindi nga kayo mag-bf/gf pero atleast alam niyo sa sarili niyo na mahal niyo ang isa't isa. Hindi naman kasi ang pagiging mag-bf/gf ang basehan ng pagmamahalan niyo. Ang problema lang eh. Oo nga mahal niyo ang isa't isa pero walang basehan na iyo talaga ang minamahal mo. Wala kang karapatan kasi di mo naman siya pag-aari. Yung tipo bang nagmamahalan kayo na parang normal na couple pero walang label. Yung tipo'ng mahal niyo ang isa't isa pero wala kayong karapatan sa isa't isa. Mapapanindigan kaya nila itong no-label-relationship?
1 part