This is a story of a bisexual named Khim. He is a kind of guy na mahilig gumala, mabait, madaldal, competitive, talented, mapagmahal, hate makipag-away, at marunong umunawa sa ibang tao in short EXTROVERT. Siya 'yong tipo ng tao na ibinigay lahat ng meron siya sa taong minahal niya. Mula sa pagmamahal, attention, oras atbp. "Isang araw, binalik-balikan ang masasakit na alaala mo dahilIsang araw, biglang iniwan mo ako Iniwan mo ako... at mula noon Ilang araw akong wala sa sarili Ilang araw iniisip ang mga dahilan kung bakit ka lumisan at kung bakit ako'y hindi mo pinili Ilang araw na nagbabakasakali na ako'y iyong babalikan Ilang araw na patuloy na umaasa sa mga pangako mong napako sa kawalan Isang tanong na gumugulo sa aking isipan Isang tanong na hindi masagot nino man Isang tanong na hindi ko makalimutan Isang tanong na wala naman talagang kasagutan Isang tanong, "Mahal, bakit mo ako iniwan?" Hindi lang iniwan kundi iyo naring kinalimutan Kinalimutan agad na parang walang pinagsamahan Hindi pinapansin kapag nasisilayan Ang trato'y parang estranghero lang sa daan Bakit parang ako lang ang nasasaktan? Bakit parang ako lang ang nahihirapan? Bakit parang ako lang nagmamahal? Bakit ako lang? Bakit? Nang iwan mo ako, nawala ang tayo Nang iwan mo ako, ang natira na lang ay ako Mali pala, kasi pati ako ay nawala noong nawala ka Nawala ang dating ako na kayang mabuhay noong mga panahong wala ka pa". -Khim Martinez Note: Book 2 po ito ng "A Time for us".All Rights Reserved