We've updated our Content Guidelines.
Review the latest guidelines to keep sharing stories safely.
Mischievous Bride Unwilling Groom

Mischievous Bride Unwilling Groom

  • WpView
    Reads 1,382
  • WpVote
    Votes 66
  • WpPart
    Parts 17
WpMetadataReadOngoing
WpMetadataNoticeLast published Thu, Jan 2, 2020
WpInfo
Fiction
Romance
15 years ago... "Hoy, Justin!" "Ano bang problema mo? Kanina ka pa sunod nang sunod sa'kin, ah. Isusumbong na kita kay mommy!" "Kuuuh... Napakasumbongero mo naman. May sasabihin lang naman ako sa'yo ah," aniya rito sabay dukot sa bulsa niya ng bagay na kanina pa niya gustong ibigay rito. Nakita niya na ganito ang ginawa ng Tito Danny niya sa girlfriend nito kanina. "Oh, ito. Kunin mo," aniya rito sabay abot dito ng singsing na gawa sa plastic. "Para saan naman 'yan? Anong gagawin ko diya eh ang pangit-pangit niyan!" "Hoy! Teka lang! Sobra ka naman!" "Eh, para nga saan 'yan?" iritableng tanong ng batang lalaki sa kanya. "Yan ang engagement ring natin. Suotin mo 'yan lagi. Dahil paglaki natin, ikaw ang pakakasalan ko," aniya rito sa napakalapad na ngiti. "Mommyyy!" sigaw na sinabayan pa ng takbo palayo ng batang lalaki.
All Rights Reserved
#57
secretcrush
WpChevronRight
Join the largest storytelling communityGet personalized story recommendations, save your favourites to your library, and comment and vote to grow your community.
Illustration

You may also like

  • MY SUBSTITUTE BRIDE (COMPLETED)
  • ❤Heaven's Love (COMPLETED; Published Under PHR)
  • Breaking Steel (FIlipino)
  • LA CASA DE AMOR - CLAUDIO
  • Girl Like You Series 2: Turn Me On |R-18|
  • His Personal Maid [Completed]
  • My Husband Is Also My Professor
  • Kasalanan Ba Ang Magmahal? - COMPLETED (**SPG**)
  • One Night Mistake [COMPLETE]
  • LA CASA DE AMOR - NATHANIEL

"I can't wait. Naiinip na ako." Bulong sa'kin ni Ericjan habang pareho na kaming nakatayo sa harap ng altar. Napabungisngis na lamang ako dahil sa itinuran nito sa'kin. "Hindi pa nga nag sisimula si Father, pero naiinip ka na dyan." Sagot ko dito. "Of course.." Aniya at kumindat pa ito sa'kin, pag kuwa'y ginagap ng marahan ang palad ko na hawak hawak nito kanina pa. Pakiramdam ko nga din ay tumatagaktak na ang pawis ko roon dahil sa tensyong nararamdaman ko mula pa kanina. Agad naman kaming umayos sa pag kakatayo ng tumayo na si Father sa harapan namin upang simulan na ang kasal. Kagaya kanina, ganon parin ang bilis at pag tibok ng puso ko. Pakiwari ko nga'y unti na lang ay lalabas na sa dibdib ko ang puso ko. Mayamaya ay muli kong naramdaman ang masuyong pag pisil nito sa palad ko. Naramdaman nya siguro ang sunod sunod na pag papakawala ko ng malalim na buntong hininga. "Bago ko simulan ang seremonyas na ito.. Nais ko lang malaman kung may tumututol ba sa pag mamahalan at pag iisang dibdib nina Devee Oliveros at Ericjan Esparagoza? Kung meron man, mag salita na." Anang Father. Awtamatikong mas bumilis ang pag tibok ng puso ko dahil sa naging tanong ni Father.. Meron pa palang ganito pag ikinakasal? Katahimikan naman ang bumalot sa loob ng malaking simbahan kung saan dinadaos ang kasal namin. Mayamaya lamang ay biglang nag tayuan ang mga balahibo ko sa katawan, pakiramdam ko ay bigla akong binuhusan ng malamig na tubig at biglang nagising sa katotohanan, ng may biglang sumigaw. "Itigil ang kasal..." Tinig ng babae. Gulat ang lahat dahil sa pag dating ng hindi inaasahang bisita.

More details
WpActionLinkContent Guidelines