Wala Talagang Forever (W.T.F.) Until Now and Then Mababasa dito Ang isang munting kwento Tungkol sa binatang Kiro Na iniwan siya ng kanyang kasuyo Lumipad sa malayong lugar ang kanyang mahal Sabi niya'y babalik siya ngunit hindi natupad Habang si Kiro ay patuloy na umaasa Ngunit wala pa rin itong napapala Subalit may bagong babaeng dumating Sa kanyang malungkot na paningin Itong dalaga ay nagngangalang Marie Dito tutubo ang kanyang panibagong pag-ibig Pero paano kung bumalik ang kanyang dating mahal? Sino ba ang mas pipiliin at sino ang nararapat? Ang taong mahal mo at nakasama mo nang matagal pero iniwan ka... O sa taong naandyan lang sa tabi mo at mahal ka pero 'di mo ramdam?