"Love comes in the most unexpected time or person." Kasi minsan kung sino pa yung taong gusto mong patayin sa isip mo,siya pa yung taong magpapatibok at magpapabilis ng puso mong parang bato. Yung feeling na ang dami mong sinusulat na characteristics ng ideal man sa diary mo pero kapag nagmahal kana ni isa walang tumama. Kasi yung tipo na ilalagay mo na dapat mabait,dapat mahal ka,dapat yung taong kuntento sa isa. Pero sa huli ano napala ng ideal man notes mo?Wala! kasi imbes na mabait naging masama,na kulang na lang patayin ka sa isip niya.Baka nga kung pwedeng pumatay,nauna kana niya. Pero ang mas masakit,na imbes na dun ka sa taong kayang mahalin ka gaya ng pagmamahal na ipinaparamdam mo sa kanya dun pa tayo naiinlove sa mga taong alam naman nating hindi naman tayo kayang mahalin pabalik. Kasi if love strikes you, wala ka ng magagawa eh.Kasi when it comes to love you can't see what's wrong about that person. Na kahit babaero eh minamahal mo parin,na kahit alam mong masasaktan ka lang go ka pa rin ng go.Na kahit malibog minamahal mo parin.Ano napala mo.Sa sobrang paniniwala mo sa LOVE na yan nabuntis ka tuloy. Kaya sobra yung galit ko diyan sa LOVE na yan eh.Bakit niya kasi tayo binibigay sa mga taong alam naman nating sasaktan lang tayo sa huli.Isama mo na si DESTINY, si destiny na pilit tayong nilalapit sa mga taong gusto nating layuan at kalimutan. - Joyce Story title: Accidentally Inlove Written by: MegaNana_09 Date written: 12/27/18 Date finished:____________