"Is a fairytale really do exist?"
"Hindi ko alam. Pwedeng Oo. Pwedeng hindi. May mga naniniwala, meron ding mga taong ayaw maniwala."
"Si Cinderella, nahulog lang yung sapatos nagka Prince charming na."
"Si Snow white, kinagat lang yung mansanas, nag ka Prince charming na."
"Si Sleeping beauty, natulog ng pagkahaba habang panahon. Pero pag gising niya, may Prince charming na."
"Si Ariel na nanirahan sa dagat at walang ideya kung ano ang meron sa lupa. Pero nung nabigyan na siya ng mga paa, nagka Prince charming na."
"Si Belle? Nainlove lang naman sa isang halimaw pero nagkaroon pa din ng happy ending dahil nahanap niya ang kanyang Prince charming."
"Halos lahat sila, may happy ending yung love story. Walang talo. Walang luhaan. Umuwi silang lahat na masaya."
"Pero, paano naman ako? Paano naman yung love story ko? Bakit ang tagal niyang dumating? Na traffic ba siya sa EDSA? Na'delay ba ang timeline niya? O, baka naman pinagtagpo na kaming dalawa pero wala kaming ideya na nakatadhana pala kami sa isa't isa?"
"Sa love story na gusto kong makamtan, May happy ending kayang nag aabang?"
•
No other than love story © akosiflorie
All Rights Reserved. 2018
Seluruh Hak Cipta Dilindungi Undang-Undang