Isang matamis na ngiti ang gumuhit sa aking labi Sa unang araw palang ng pagtatama ng ating paningin Akin ng nabatid na ikaw ay mamahalin Ako'y iyong hindi binigo Dahil nagmula mismo sa labi mo Ang salitang ako'y iniibig mo Nangako kang ako'y iyong pakakasalan sa lahat ng simbahan At tayo'y magsasama magpasa walang hanggan Puso'y puno ng kaligayahan inialay sayo ang dangal na iniingatan Isang mapait na ngiti ang gumuhit sa aking labi Nang ako'y iyong pagsawaan Itapon na parang maruming basahan Mata ay luhaan puso ay duguan Naglulumuhod sa iyong harapan Nag mamakaawang huwag mong iwan Ngunit ako'y iyo lamang nilagpasan At tila binging hindi pinakinggan Nahagip pa ng paningin Ang labi mong umismid ng palihim Isang puno ng lungkot na ngiti ang gumuhit sa aking labi Batid ko ng... Ako'y iyong niloko Niruyakan ang pagkatao Pinaglaruan na tila isang laruan At saka ipinagpalit sa bago Ngunit bakit hindi ko magawang mamuhi sayo mahal ko? Dahil dito sa puso ko ikaw parin ay iniibig ko.. At tanging iibigin ko... Isang baliw na ngiti ang gumuhit sa aking labi Habang nakatitig sa patalim na nasa aking palad Mahal ikaw ay walang katulad Kahit saan kaman magtungo Ako'y iyong magiging anino Sa dulo man ng walang hanggan Ikaw ay susundan Walang sino man ang sa iyo'y makikinabang Ako lamang ... Ako lamang ... Isang misteryosong ngiti ang gumuhit sa aking labi Sya na ba ulit ang bago mo? Sya na ba ang isusunod ko sa dati mo? MAHAL KO!
6 parts