"There is no fear in love, but perfect love casts out fear. For fear has to do with punishment, and whoever fears has not been perfected in love."
Elizabeth and Zechariah were College sweethearts before they got married. Hindi alam ni Elizabeth kung ano ba talaga ang dahilan kung bakit isang araw ay tinawagan siya ni Zech at pinauwi. She ended up being kicked out of their house dahil sa maling paratang nito sa kanya. Binigyan siya nito ng sampung milyong piso para umano makapagsimula siya ng maayos. Bago tuloy siya umalis ay hindi niya nagawang sabihin ang maganda sanang balita na dala niya ng araw na iyon.
After six years ay naging isang successful na abogado si Elizabeth at ang naging forte niya ay ang Family Law. Marami siyang natutulungan na mga mag-asawa at pamilya kaya naman masaya siya sa nagging trabaho niya. Kumpleto na ang buhay niya at wala na siyang mahihiling pa.
Ngunit sinubok siya ng tadhana. Nakatanggap siya ng tawag mula sa Pilipinas na nagsasabing kailangan ni Zech ng tulong niya. Paano niya babalikan ang kanyang nakaraan na naging dahilan para mabago ang kanyang kasalukuyan? Paano niya haharapin si Zech sa pangalawang pagkakataon? Masasaktan na naman siyang muli dahil sa isang sikreto na hindi niya nagawang aminin dito mahigit anim na taon na ang nakakalipas.