Simula bata pa lang ako, kakaiba na palagi ang mga napapanaginipan ko at ang mas nakakamangha ay ang abilidad ko na matandaan ang bawat pangyayari at detalye sa aking panaginip. Kung minsan ay ilan sa mga ito ay nagkakatotoo kagaya ng mga pangyayaring mahalaga sa panaginip ko, halimbawa nalang kapag nanaginip ako ng sitwasyon sa pamilya ko na ginagawa nila ay nangyayari eksakto kinabukasan o sa mga susunod na araw. Sa tingin ko rin ay babala ang ilan sa mga panaginip ko kagaya nalang ng panaginip na nasa ibabaw ang lahat ng tao ng bubong nila dahil may mataas na baha at madilim ay nangyayari nga at pareho ng pakiramdam ang naramdaman ko. Nanggaling ang mga estoryang ito sa aking personal na journal dahil ang mga panaginip na yun ay weird at minsan nakakatakot kaya gusto ko ilahad lahat dito ng aking naaalala simula bata hanggang sa kasalukuyan. Ilalagay ko sa bawat kabanata kung ito ba ay panaginip at ang iba ay kathang isip lamang. - Anak ni Lilith