Kalaban natin ang mundong punong puno ng halo halong emosyon. Mundong napapalibutan ng mga matang mapang husga, mga bibig na nagsasabi ng mga salitang hindi alam ang pinagmulan, mga tengang nakikinig sa bawat maling salitang manggagaling sa bibig, mga ilong na pilit aamuyin ang nakatagong lihim. Paano ba natin lalabanan ang mundo?, kung paulit ulit tayong winawasak nito. Kahit ilang taon ang lumipas patuloy kang mananatili sa puso ko, kahit sino pa ang dumating sa buhay ko ikaw at ikaw parin ang hinahanap ng puso ko.- Andrea Kahit ilang ulit mo akong baliwalain, paasahin o saktan sa konting mensahe mo lang kaya ko ng kalimutan ang lahat ng sakit ng bawat kilos o salita mong nag iiwan ng lamat sa aking puso at pagkatao - Justine "Pipilitin kong abutin ang langit na kinaroroonan mo🌕MA." "Pipilitin kong maapakan ang lupang kinaroroonan mo 🏜 .HAL" KAILAN BA MAGIGING SAPAT ANG PAGMAMAHALAN NATIN PARA LABANAN ANG MUNDO? MAY ORAS BA NA NAKA LAAN PARA SA ATIN? MAKAKALAYA PA BA TAYO?All Rights Reserved