Prolouge: "Isa kang kahihiyan" "Wala kang kwenta" "Malas ka" "Demonyo ka" "Nakakatakot ka" Yan ang mga naririnig ko sa mga taong walang Alam kung bakit ako ganto.Laging tahimik,walang emosyon,malamig ang pakikitungo sa iba at marami pang negatibong ugali na meron ako. Ako si Lucifera Eunice Elcantara.Isang babaeng malas sabi ng iba pero hindi nila alam na isa itong regalo na pede silang iligtas sa kamatayan. Ako ay kakaiba sa lahat ng tao.Sanay silang maging masaya at ako ay malungkot.Ang mga tao ay gumagawa ng masasamang bagay araw-araw pero hindi nila alam kung oras na ba nila,at kapag huli na ang lahat tsaka sila magsisi. Bawat araw na nagdaan maaring iyon din ang araw ng iyong pagkamatay.Tayong lahat ay malapit sa kinakatakutang kamatayan na walang makakapigil kundi ang diyos at.....Ako lang.....