Ito'y isang storya na nag-uugnay sa mundo ng mga tao at sa mundo ng mga Engkanto. Si Tristan ang lalaki na naninirahan sa loob ng salamin. Siya ay umibig sa isang dalagang nagngangalang Amalia. Ang pagmamahalan sa pagitan ng dalawang mundo ay naputol nang dumating si Loraine ang limang taong gulang na pamangkin ni Amalia. Isang batang may Third eye at ang pinakabatang paranormal. Dahil kay Loraine nabasag ang salamin kung saan may dala itong sumpa na isinalin-salin sa kanilang angkan. Makalipas ang dalawampu't dalawang taon, muling nagbalik si Loraine sa baryo ng kanyang Tiya Amalia. Kung saan mararanasan niya ang panglilinlang ng mga engkanto, at tumira sa pamilyang isa lamang ilusyon mula sa salamin. Sa ilusyong pamilya nakilala niya ang kanyang pinsan na si Christian... Ang anak ng prinsepe ng salamin.
Más detalles