Ang buhay ay bigay ng maykapal. Ito'y biyaya na walang makakapantay. Walang ibang magmamay-ari nito kundi tayo. Tayo na walang ibang ginawa kundi ang mangarap ng mga bagay at hindi kailanman nakuntento sa kung ano ang ibinigay. Pag-ibig ay isa sa ating pinangarap na makamtan. May mga nakahanap agad at may mga naging sawi sa kanilang pagmamahal at dinamay pati ang kanilang buhay. "Mahal kita at hindi ako mabubuhay kung wala ka." Sabi ng isang taong nagmahal ng sobra. Maaaring isipin natin na walang katotohanan ang lahat dahil hindi naman dala-dala ng kanyang mahal ang kanin at ulam niya sa araw-araw. Oo! Kaya nating mabuhay mag-isa. Kaya nating maglakad mag-isa. Kaya nating kumain mag-isa. Kaya nating matulog at magising mag-isa. Kaya nating gawin ang maraming bagay ng mag-isa. Pero hindi natin kailanman kayang tumawa at maging masaya ng mag-isa. Isang araw nanaisin at papangarapin rin nating magkaroon ng isang taong magmamahal, mag-aalaga at magpapasaya sa atin ng walang katulad. Pero kailan nga ba natin ito makakamit? Kapag ba nasa high school na tayo? College? O baka naman pag may trabaho na tayo?? Pero paano kung dumating siya ng hindi mo inaasahan? Paano kung dumating ang sa tingin mong tamang tao sa maling oras? O di kaya dumating yung tamang oras sa maling tao naman?? May magagawa pa ba tayong hawakan at patakbuhin ang sarili nating buhay nang naaayon sa ating gusto? Ating tunghayan ang buhay isang taong walang ibang ginawa kundi ang kontrolin ang kanyang buhay.