Nakakabingi. Nakakairita. Napakainit. Ayan ang masasabi ni Summer Reyes tungkol sa bakasyon niya. Kailangan niyang makawala sa bahay nila na nagsisilbing kulungan niya- at ang tanging paraan upang makamit niya ang kaniyang inaasam na freedom ay ang magtrabaho sa Hacienda Santa Ella. Doon niya makikilala ang anak ng kaniyang boss na si Paul Noches, isa sa big time teenager at ang bratenello sa lugar nila. Ano kayang mangyayari pag nag-krus ang landas nila?