Payatot. Baduy. Buhaghag. Nerd. Bruha. Flat Screen. Lahat lahat na ng pwede niyang itawag sa akin. Kinder to grade 12, 'yan ang pangdudusta na naririnig ko mula kay ELVIS LANCE FARNACIO. Pinanganak na bugok, mapanglait, mayabang, halimaw at hayop na lalaki. Laking tuwa ko naman talaga nang makagraduate kami at magkalayo. Ginawa kong inspirasyon lahat ng sinabi niya para ayusin ang sarili. Nagpasalon at nagpaganda talaga ako ng todo. Natanggal lahat ng sumpa sa akin. Akala ko hindi na kami magtatagpo pa. Pero mapaglaro ang tadhana. Kung saan ako napadpad para magtrabaho ay doon din nilipad ng hangin si Elvis. Mukhang minamalas na naman ako. Pero paanong nangyari na ang pinakasusuklaman kong tao ay matutunan kong gustuhin?Totoo kaya lahat ng pinapakita niya sa akin? O isa na naman 'to sa kalokohan niya?