Isang mayamang dalaga ang iibig sa kanilang hardinero, ngunit tutol naman ang mga magulang nito dahil sa magkaiba ang estado ng buhay nila. Paano kaya maipaglalaban ang pag-ibig na nabuo kung pilit itong sisirain ng isang kasinungalingan? Kasinungalingan na dahilan ng pagkamuhi mo sa isang taong labis mong minamahal. Kasinungalingan na wawasak sa mga pangarap at masaya sanang pagsasama. Matanggap mo kaya ang katotohanan kung sa huli ay malaman mong pinilit lang kayong sirain ng isang taong malapit sa buhay mo? Paano kung malaman mong inosente pala ang taong tinaniman mo ng galit sa puso mo? Maibabalik pa ba sa dati ang lahat kung masyado ng malalim ang sugat na naging dulot nito sa isang taong walang ibang ginawa kundi mahalin ka?