Akala mo mahal ka na niya, yun pala mahalaga ka lang para sakanya. Sa dinami rami pa ng tao na gugustuhin mo , yung taong di mo pa kilala ng lubos ang pagkatao. Akala ko ba ako lang? Akala ko ba mahal mo ko? Akala ko ba di mo kayang makatulog ng galit ako sayo? Akala ko ba-- Puro na lang akala , isang salita na nagbigay sakin na pagasa na akala ko mahalaga ako sayo.