Sabi nila, Ang Love daw ay makikita kahit saan. Sa Kalsada, Sa Tindahan, Sa Malls, Sa Footbridge pati na rin sa Sementeryo at Malay natin yung kapitbahay na pala. Kapag usaping Love, maraming opinions ang nailalabas ng bawat isa. Ayaw magpatalo basta usaping Love. Pero, paano kung makilala mo sya sa maling oras at panahon? Paano kung mainlove ka sa taong walang pakiramdam? Paano kung mainlove ka sa taong parang robot? Kaya ka ba niyang mahalin despite of his imperfections? Paano kung kaibigan lang ang kaya niyang maibigay? Paano naman kung mahal ka talaga niya? Anong gagawin mo? Handa mo bang ibigay ang buong IKAW? Handa ka bang gawin ang lahat para hindi sya mawala? O handa kang pumatay para sa ikaliligaya mo? Tara at sabay-sabay nating lakbayin ang aking buhay. "Alexis"