BAGAMA'T magkaibigan ang mga magulang ni Natasha at Aljon ay kabaliktaran naman nila ang mga ito dahil simula pagka-bata ay para na silang mga aso't pusa basta rin lang magkaharap sila ay siguradong umaatikabong bangayan ang mangyayari. Ngunit sa paglipas ng mga araw ay unti-unti nalang nagising si Natasha na hindi nalang basta galit ang nararamdaman niya para kay Aljon kundi umuusbong na rin ang isang mahiwagang damdamin na hindi niya maintindihan ang tanging alam lang niya ay kailangan niya itong paglabanan. Aljon Montalban is madly inlove with Natasha pero imbis na suyuin niya ito para magustuhan din siya ng kababata ay lalo lang niya itong ginagalit basta may pagkakataon. Kaya ng makita niyang halos dumugin ito ng Kung sino-sinong lalaking nagkakagusto dito ay ganoon na Lang ang galit na naramdaman niya dahil hindi siya makakapayag Na maagaw ng kahit sino ang nagiisang babaing minamahal niya. May kasabihan nga na "Hate is just a thin line away from love" but can that really happen with the two of them? Maaari nga kayang maging pag-ibig ang galit na nararamdaman nila sa isa't isa o mas mauuwi lang ito sa mas malalim na galit na magbabaon sa kanila sa buhay na punung puno ng kalungkutan at pagkamuhi ng dahil lang sa isang kasinungalinan.