Paano na lang kung isang araw, ang boring mong buhay ay magkaroon ng kulay? Yun tipong isa ka lang pangkaraniwang estudyante at nobody sabi nga. Parang si Tiffah. Pero nawindang ang boring nyang buhay ng minsang makabanggaan nya sa corridor ang isa sa tinaguriang member ng binansagang Elite Boys sa kanilang school, si Cloud Stiffer. Tall, handsome and looking hot in his serious face. Napapabalitang cold and ruthless. Not her type. Pero sadya yata talagang binibiro siya ng tadhana, dahil ilang beses na pinagtagpo ang kanilang landas. Na halos isumpa na niya dahil halos mapanisan na siya ng laway sa tipid nitong magsalita! Tinatamad daw itong magsalita. Ano na lang kaya ang mangyayari kapag tinamad na rin itong huminga? Makatagal kaya ito kay Tiffah na ipinaglihi yata sa recorder sa kadaldalan?
42 parts