Paano nga ba natin makakalimutan ang isang taong labis nating minahal? Yung sa sandaling panahon mo siyang nakasama at nakausap ay nahulog ka na agad? Paano natin makakalimutan ang isang taong lubos na nagpasaya sa atin? Kung saan ang isang ngiti at halakhak niya ay atin na ring kaligayahan. Paano kung siya ang liwanag mo sa madilim na gabi? Kung sya ang nagbibigay saya sa araw na puno ng lumbay? Darating pa ba ang panahon na makakalimutan mo siya? O hihintayin mo nalang na balikan ka niya?All Rights Reserved