KAWIKAAN 6: 16-19 "May mga bagay na ipinagtatanim ng Panginoon; Oo, pito na mga kasuklamsuklam sa Kaniya: Mga palalong mata, sinungaling na dila, at mga kamay na nagbububo ng walang salang dugo; Puso na kumakatha ng mga masamang akala, mga paa na matulin sa pagtakbo sa kasamaan; Sinungaling na saksi na nagsasalita ng kabulaanan, at ang naghahasik ng pagtatalo sa gitna ng magkakapatid. " Lahat ng uri ng mga mortal na kasalanan ay naninirahan sa Sin Academy. Bawat isa sa mga estudyante sa paaralang ito ay makasalanan. Lahat ng pumapasok dito ay natatabunan na ng kasamaan. Si Psalmyrrh Shekainah Bliss, isang babaeng ipinadala sa paaralang ito ng mga nakagisnan niyang magulang. Isang babaeng nababalot ng misteryo ang pagkatao at may natatanging kakahayan. Sa pagpasok niya sa paaralang ito ay kasabay ng pagsisimula ng kanyang misyon. Marami syang kailangang gampanan. Marami siyang kailangang palayain at sagipin mula sa mga kadena ng paaralang iyon. Ano ba ang misteryo sa pagkatao niya? Paano niya gagampanan ang tungkulin niya? At bakit siya pa? Tunghayan ang lahat sa storyang ito. Tunghayan ang mga rebelasyon at misteryo sa pagkatao niya, ng paaralan at ng mundo.