Kauna-unahang tula na talagang nagpaiyak sa akin at hanggang ngayon ang pinapaluha pa rin ako sa tuwing ito'y aking binabasa. Base ito sa isang kwento sa bibliya na "The Prodigal Son" ngunit iniba ang kwento at "180degree turn" ang ending. Sa mga hindi pamilyar, sa TPG ay ibinigay ng ama ang pangangailan ng kanyang nakababatang anak ngunit hindi ito nakuntento at hiningi ang kanyang mana upang waldasin. Ngunit naubos ang mana nito at naisip na nagkamali siya. Nang maisipan niyang bumalik sa ama at humingi ng tawad ay pinatawad siya nito't tinanggap muli bilang anak. Sa tulang ito naman ay, inaalila ang anak ng kanyang mga magulang kaya nagpasya siyang maglayas. Ngunit may nagtulak sa kan'ya na bumalik, dahil sa pag-iisip na maging maayos ang lahat kapag umuwi siya at isang pagkakamali ang iwanan ang kanyang pamilya. Subalit mali ang kanyang iniisip, sinaktan lamang siya ng kanyang mga magulang at inalipusta. Karaniwang nangyayari sa mga mahihirap na pamilya sa panahon ngayon. Isang reyalidad na hindi natin maitatanggi. Maa-apply din sa ibang aspero ng buhay na may mga tao talagang hindi ka tanggap kahit kadugo mo pa sila. Date: December 22, 2017 Author: Bannie Bandibas Theme: Labis na Kaligayahan o Kalungkutan Genre: Slice of Life Award: 5th Place #NatitirangKinangSaAkingParol #ForbiddenPoetry Forbidden Poetry Entry #1
1 part