"Masarap makaranas ng Pagmamahal, into ay nagdadala ng kakaibang ligaya sa isang tao. Pero ang unang aspeto na titingnan ng mga tao, ay ang panlabas na kaanyuan, katalinuhan, at antas ng buhay bago kilalalin ng mabuti ang gusting maging kasintahan. Paano pa kaya pagdating sa kabadingan? Ang pogi ay para sa pogi/maganda, ang pogi para sun sa may kaya, ang mga macho part din sa macho, etc... Paano na lang yung mga di nabiyayaan ng ganitong katangian?" eto ang iniisip ng 30 anyos na so Ralph, Na di nga masyadong kagwapuhan, chubby pa! Di rin masyadong matalino, at hikaos pa sa buhay. Alam na Alam nya, na mahirap na para sa kanya ang magkaroon ng love life, pero dahil alam nya na mas masarap ang may pinaglaanan ang pag ibig, kahit di man nya ito makamtan,ay may kakaiba syang pananaw sa buhay. "kahit di man ako makaranas ng pag ibig, at least may matulungan man lang ako sa pag ibig, at malaman na is a ako sa tumulong para umusbong iyon masaya na ako" Ang advokasiya nya ay ang pagtulong sa kahit anu mang paraan na makamtan ng iba ang pag ibig na inaasam, babae man o lalake, lalo na sa kabadingan. Sinusubukan nya mag match ng mga posibleng love interest ng tao. yung tipong nirereto nya ang bawat kakilala nya, kung may chansa ba na magkatuluyan ang mga eto. At mahigit dalawang taon na nya itong ginagawa. Is a lamang syang nagbebenta ng ulam sa isang ciudad/ at nagmamay ari din sya ng isang maliit na karenderia. Pero dahil mapagkaibigan si Ralph ay nahuhumaling sa kanya ang mga tao, at sya ay lagi kinukwentuhan ng mga buhay buhay nila. dahil dito, madami na syang natulungan na magkatagpo. At tuwang tuwa naman sya sa nagiging love story ng mga ito pag ito ay naging successful. Masaya naman si Ralph, sa pag rereto ng mga kakilala posibleng love interest nila. kaya kontento ang kanyang buhay. Hanggang kailan kaya nya gagawin ang advokasiya nyang ito? ____