Sa tuwing sinesermonan o pinapagalitan si Diana ng kanyang mga magulang, ang unang iniisip ni Diana ay ampon siya. Iniisip niya na kawawa siya. Well, paano naman hindi papagalitan e ang gusto niya palagi ay kung anong gusto niya ay siyang masusunod. Kaya ang ginawa ng parents ni Diana, sa tuwing summer sa probinsya siya titira, kung saan nakatira ang lola Maria niya na nanay ng mama niya. Lumaki si Diana na walang pinagdaanang paghihirap kasi may kaya ang pamilya nito. Kaya nung pinatira siya sa probinsya ay labis na lungkot at pagkadismaya niya sa kanyang magulang. Iniisip niya na naman na kawawa siya, na kung bakit doon siya titira kahit may pera naman sila. Kahit ilang buwan lang naman siya titira sa probinsya para sa kanya ang pagtira sa probinsya ay nakakaumay. Awang-awa siya sa kanyang sarili. Ang gusto niya lang naman ay ang klase ng pamumuhay na kagaya ng kanyang mga mayayaman na mga kaklase. Ang akala ni Diana ay kawawa na siya sa ganong bagay. Ang hindi niya alam ang itinuring niyang bagong kaibigan ay yun pa ang magpapahamak sa kanya. Pero imbes mapunta siya sa kapahamakan, ay dito na pala magsisimula ang kanyang pag-ibig. Sa probinsya. Sa lugar na ayaw na ayaw niya. Ngunit ang pag-ibig na ito ang mag-iintindi, ang magpapaunawa kay Diana kung ano talaga ang tunay na kahulugan ng salitang 'kawawa'.All Rights Reserved