Sabi nila, malupit daw ang tadhana pero parang di naman ako naniniwala. Ngunit dumating ang isang araw at sinubok kami ng kakambal kong si Coreen. Di ko alam kung anong uunahin ko o kung ano ang paiiralin ko pero isa lang ang sigurado ko, 'yun ay ang kahit anong mangyari, mahal ko ang kapatid ko. Samahan si Doreen at Coreen kung paano nila haharapin ng magkasama ang mga pagsubok na dadating sa buhay nila.