Si Rose ay isang matagumpay na business tycoon sa murang edad na 23 na nagmamay-ari ng iba't ibang high class hotels at restaurants. Isali pa nito ang mga naggagandahang resorts na kilala naman ng mga turista. Matigas ang puso nito sa lahat ng bagay maliban na lang sa kaisa-isang kapatid nitong si Daisy. Gagawin niya ang lahat para lang sa nakababatang kapatid dahil ito na lang ang natitirang pamilya niya. Siya na rin ang tumatayong magulang rito simula noong maaga silang naulila. May malubhang sakit si Daisy na maaaring kumitil sa buhay nito. May hinihiling ito sa kanya na bago raw ito mamayapa ay sana mayayakap pa nito ang sariling pamangkin. Dahil sobrang mahal nito ang kapatid ay walang bagay na hindi niya magagawa para rito. Open lesbian si Rose kaya hindi lingid sa dalawa na hindi madali iyon. Hindi niya maiisip na magjowa ng lalake at magpakasal. Sa babae lang kasi siya naattract. At makikikila niya si Abigail. Mapapayag niya kaya ito na maging surrogate mother ng magiging baby niya? At ito na kaya ang pagkakataon na mapapalambot ni Abigail Liwanag ang matigas na puso ng isang Rose Santimente?