Si Frelle at Gren ay matalik na magkaibigan. Sobrang close nila sa isa't-isa na kung hindi sila kilala ay aakalaing may realsyon ang dalawa sa sobrang kasweetan nilang dalawa. Lahat ng sikreto ni Frelle ay sinasabi niya kay Gren, maging kung sinu-sino ang crush nito, pero lingid sa kaalaman ni Gren... sa dinami-rami ng crush ni Frelle ay siya naman ang mahal nito, siya ang nilalaman ng puso nito. Dumating ang isang araw, biglang nagbago si Gren. Sinabihan niya ng masasama si Frelle na lubos na dinamdam ng dalaga. Sobra siyang nasaktan sa mga pinagsasabi nito sa kanya. Lalo siyang nasaktan dahil kung ituring siya ng binata ay para silang walang pinagsamahan. Paano na lang ang pagmamahal na nararamdaman niya sa binata? Ibabaon niya na lang ba ito sa limot gaya nang paglimot ni Gren sa kanilang pinagsamahan o ito ay kanyang ipaglalaban?