Tana
Siya yung babaeng umasa. Ng Umasa. At bigla na lang nagising sa realidad pagkatapos.0
Lagi siyang may ipinaglalaban sa buhay.
Lagi nga niyang ipinagtataka kung bakit napakaswerte niya sa buhay. May tatay siyang mahal na mahal siya kahit gaano pa siya kagulo. May kapatid siyang laging nagpapasaya sa kanya at partner niya sa anumang kakulitan
nilang magkakapatid. Kahit na wala na silang nanay, andiyan naman ang kanyang pamilya at kaibigan para kahit papaano ay mapuno ang kakulangan ng kaniyang ina sa puso niya.
Lahat ng mga pumapalibot sa kaniyang buhay naging masaya. Ngunit alam naman natin na hindi lahat ng segundo sa buhay masaya. Darating at darating rin ang araw kung saan maiisip natin na sumuko sa buhay. Pagod na lumaban sa mga pagsubok na patuloy na dumadating sa ating mga buhay.
Lahat na mangyayari sa kwentong ito,makakayanan niyo ba?
Ano kaya ang mangyayari sayo pag nalaman mong ang mahal mo ang siyang dahilan ng pagkagulo at pagkawatak ng pagkatao mo sa nakaraan?
Magagawa mo ba siyang patawarin? Kaya ba ng pag-ibig lahat ng yun? Mapapalitan ba ng pagmamahal ang sakripisyo at paghihirap mo dahil sa taong labis mong pinagkatiwalaan na siya palang dahilan ng lahat ng mga nangayayaring kalokohan sa buhay mo?
Lahat kumplikado. Lahat magulo. Kakayanin ba ng pagmamahal lahat ng kataksilan at kasinungalingan ng mundo?
Want to ask me questions? See my behind the scenes? Even see my upcoming story sneak peeks?
Here you can request for a chapter read request as well as critique. There's even something better-talking to me about anything you want!