Ilang linggo ng hindi nagpaparamdam si Harold Zapata. Hindi maiwasang mag-alala ni Ria sa matagal na pagkawala ng kaibigan lalo pa at hindi maganda ang naramdaman niya nang magpaalam ito. Kailangan niyang mahanap ito. Hindi niya inaasahang sa istasyon ng pulis niya ito makikita. Dalawang pagkatao nito ang natagpuan niya sa paghahanap niyang iyon. Ang isa ay mahinahon, tahimik, at maingat kung kumilos; ang pangalawa naman ay maingay, magaslaw at kilos kalye kung umasta. Kung ang una ay kumportabilidad ang naidudulot nito sa kanya, takot naman ang sa pangalawa. Bipolar? Dalawang magkaibang tao? Hindi niya alam. Bigla siyang nahiwagaan sa misteryosong pagkatao nito. Pero isa lang ang alam niya, nakikita niya sa dalawang mata niya ang mukha ng kaibigan. Lingid sa kanyang kaalaman, sa paghahanap niyang iyon ng mga kasagutan sa mga tanong na nadadagdagan sa kanyan isipan ay lalo siyang nalalapit sa kapahamakan. Author's note: Nais ko pong magpasalamat sa lahat ng tumangkilik sa Finding Mr. Right. Nakakataba po ng puso. Hindi ko akalain na dadami ng ganito ang magbabasa nito. ^_^v Also, checkout my new story: Disastrous Daydream Come TrueAll Rights Reserved