Playboy? Isa siyang Playboy na kung saan madaming babae ang lumalapit at kumakapit sa kaniya. Ako? Isa lamang akong babae na hindi pansinin sa aming paaralan, ngunit lahat nang iyon ay nagbago simula nang pakasalanan ko ang lalaking womanizer, babaero o mas kilalang Playboy. Gumuho ang mundo ko nang may magkalat sa buong paaralan na 'Live in' kami na kung saan ay totoo naman, ngunit isa lamang sikreto. Kaya naman naka-isip ito ng paraan upang pagtakpan ang kasal namin na ayaw niyang ipaalam sa lahat. Ngayon ay isa akong nagpapanggap na Personal Assistant ng Asawa kong Playboy. Ang Asawa kong Playboy Copyright 2019