Walang ibang hiniling si Kiero maliban sa pag-ibig ni Cris at ngayon ngang nakuha na niya ito ay kaya niyang gawin ang lahat.
May pangamba man sa maaaring mangyari bukas, ay nananatili itong matatag at positibo na malalagpasan nila ang lahat ng problemang darating. Ang tanong, hanggang saan ang tatag niya kung ang realidad na mismo ang nagsasabing 'bumitaw kana!'
Nagduda, nalito, naguluhan sa kung ano ang tunay niyang kasarian, si Cris. Dahil alam niyang tinitibok ng kaniyang puso si Kiero. Ipinaglaban at minahal, ngayon nga ay magkasamang hinaharap ang bukas ng may ngiti sa kanilang mga puso. Ang tanong, sigurado na ba? Kaya niya bang tanggapin at intindihin na may mga bagay na hindi kayang ibigay ni Kiero sa kanya bilang lalaki?
Magsasama sa iisang bubong ang bagong pares upang mas lalong makilala ang isat isa.
Ngunit paano kung sa halip na luminaw ang kanilang pagsasama ay mas lalo pa itong lumabo?
Sa pagdating ba ng mga bagong tauhan na hahamon sa kanilang pag-iibigan ay siya na ring magiging katapusan ng kanilang pagmamahalan?
CRIS: I miss your embrace!
KIERO: I miss your embrace... but I was hurt!
JEEWANDA!
"Hiwalay na kami, masaya ka na ba? di ba ito naman yung matagal mong gusto una palang?"
"Siguro naman mananahimik ka na sa pang-gugulo sakin. Alam mo naman na kahit ilang beses mo pang ipagtulukan sakin yang sarili mo ay hinding hindi kita magustuhan at hindi kailaman kita mamahalin. Wag ako iba nalang Zian. Nasaktan mo na ko. Siguro naman kontento ka na. Paki-usap lang. Tigilan mo na ko, Lumayo ka na sa buhay ko. Dahil hindi ko na alam kong ano pang magagawa ko." -Zion Montiverde
Wala akong alam sa mga binibintang niya hindi ko alam na ako pala ang dahilan ng hiwalayan nila. Oo aaminin ko pinangarap ko ang mahalin ng isang Zion Montiverde pero ang maging dahilan ng hiwalayan nila ay hindi ko ito magagawa. Napaka-sakit lang dahil ganon ganon nalang siya makapag-bitiw ng mga salita, Akala niya ba ganon lang kadali yung mga hinihiling niya? Ano bang akala niya siya lang nasasaktan? na ako hindi? petmalu! Kahit na ilang beses niya pa kong ipagtabuyan hinding hindi ko magagawa ang sinasabi niyang tigilan layuan ko na siya dahil mas masakit ito para sakin.