Buong akala ni Aris ay isa lamang siya sa mga ordinaryong tao na nangangarap na makilala sa larangan ng pagkanta. Lingid sa kanyang kaalaman ay may isang sekretong nakakubli sa likod ng kanyang mga pangalan. Siya ang magpapatunay sa kwento na buong akala nila'y isa lamang alamat. ☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆ "Arcturus..." Pagkatapos kong banggitin ang katagang iyon ay biglang lumiwanag ang paligid. Napapikit ako dahil hindi ko makuhang titigan ang sobrang liwanag na nasa harapan ko. "Sambitin mo lamang ang aking pangalan habang nakatingin sa pinaka maliwanag na bituin ng kalangitan, ako'y iyong muling masisilayan." Napaluha ako nang narinig ko ang pamilyar na boses na bumubulong sa aking mga tainga. Alam kong nasa paligid ko lamang siya. Nananatili paring nakapikit ang aking mga mata. "Kapag nagtama na ang ating mga mata, kapag ang puso mo'y muling nakaramdam ng kaba, 'yon ang araw na muling magsisimula ang kwento nating dalawa. Nais kong sa araw na 'yon ay buo na iyong loob na harapin ang tadhana nating dalawa. Aris... Watashi no sukina sutā." 《《All rights reserved》》