Si Princess Kate Vasquez ay matagal ng may gusto sa kanyang kababatang si Rafael Alfonso Tayag ngunit natatakot siyang ipaalam ito dahil alam naman niyang hindi siya mahal nito at mga bata lang sila, sabi nga ng mga kaibigan ni Princess Kate ay puppy love lang ito at lilipas din pagdating ng araw. Ngunit hindi, pinaghiwalay man sila ng tadhana. Nagkalayo man ang mga landas nila ay nanatili parin ang pagmamahal niya kay Rafael. Minsan nga ay naiisip niya kung naalala pa kaya siya nito o hindi na? Kung nanatili nalang siyang ala-ala para kay Rafael Pero sa kanyang pagbabalik.... Muli kayang magtatagpo ang kanilang mga landas? Magiging magkaibigan parin ba sila gaya ng dati? Masusuklian kaya ang pagmamahal niya para sa binata, O mananatili lang itong One sided love na siya lang ang nagmamahal? MY CHILDHOOD LOVE